Recent News

Mga Teknikong Pang-Agrikultural sa CALABARZON, Nagsanay para Mapanatili ang Seguridad at De-Kalidad na Produksyon ng Gulay at Prutas

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Dalawang pangkat ng mga teknikong pang-agrikultural mula sa limang (5) lalawigan sa rehiyon CALABARZON ang nagsipagtapos sa limang (5) araw na Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Good Agricultural Practices (GAP) para sa mga Prutas at Gulay na ginanap sa ATI Region IV-A, Trece Martires City, Cavite.

Unang Pagsasanay sa Participatory Guarantee System (PGS), Isinagawa

CANDELARIA, Quezon - Ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO) IV – A ay nagsagawa ng pagsasanay ukol sa Internal Control System towards Participatory Guarantee System (PGS) Core Group Formation sa Uma Verde Econature Farm sa Candelaria, Quezon noong ika-20 hanggang ika-23 ng Hulyo, 2021.

Mga Katuwang sa Extension, Kabilang sa Pagtukoy ng Problema at Paglikha ng mga Programang Pang-Agrikultura

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Pinangunahan ng Planning, Monitoring and Evaluation Unit (PMEU) ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON ang pagsasagawa ng National Extension Agenda and Programs Consultation for FY 2022-2028. Ang bawat lalawigan sa rehiyon ay naglaan ng dalawang (2) araw upang makipagtalastasan at makiisa sa makabuluhang talakayan.

Digital Farmers Program (DFP) 101: Kaakibat ng mga Magsasaka sa Teknolohiya

STA. CRUZ, Laguna – Upang mas mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa paggamit ng ‘digital technologies’, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON at SMART Communications, Inc. ang unang batch ng Digital Farmers Program (DFP) 101 sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) – Laguna noong ika-15 ng Hulyo, 2021.

Pages