Piling Kabataan, Hinuhubog na Maging Agripreneurs

PAGBILAO, Quezon - Ang pagsasanay sa ilalim ng programang Adopt-A-Farm Youth ng ATI CALABARZON ay matagumpay na naidaos katuwang ang isa sa mga Certified School for Practical Agriculture (SPA) nito, ang Cortijo de Palsabangon Farm Park and Restaurant.

Isinagawa ang nasabing pagsasanay sa loob ng labing limang araw, na nilahukan ng ng walong (8) piling aktibong magsasakang kabataan mula sa ibat-ibang probinsya ng rehiyon.
Ang mga gawain na nakapaloob sa pagsasanay ay naglalayon na hubugin ang mga kabataan sa larangan ng agro-entreprenuership sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan sa pagbubukid, sa paggabay ni Bb. Ayrin Llorin, farm owner ng Cortijo de Palsabangon.

Bumisita din ang mga kabataang magsasaka sa Don Leon Nature Farm at Uma Verde Econature Farm, mga Learning Site Agriculture (LSA) ng ATI sa CALABARZON, bilang bahagi ng kanilang “benchmarking activity.”

Ibihanagi ng isa sa mga kalahok na si Erickson James Fabrigas ang kanyang naging karanasan sa pagsasanay.

“Ang traning na ito ay isang makabuluhang karanasan sa bawat isa na matutunan ang mga kinakailangang kakayahan. Maraming kasiyahan at magagandang bagay ang aming naranasan: bagong kaibigan, guro at kasamahan. Ang ganitong programa ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga institusyon ay isang biyaya na maituturing para sa aming mga kabataan. Maraming sa lamat sa opportunity at prebelehiyo na makasama sa ganitong gawain.”

Matapos nito, ay naipasa ng lahat ng mga kalahok ang isinagawang TESDA NC II Assessment on Agro-entreprenuership noong Hulyo 18, 2021 sa pangunguna ni Gng. Edelissa Ramos.

Ang pagsasanay ay isinagawa noong ika-5 ng Hulyo hanggang ika-19, taong kasalukuyan.

Ulat ni: Roy Roger Victoria II