Bida sa RCEF Program: Kuwento ng Tagumpay ni Abner Javier

“Ang sining ng pagtuturo ay ang sining ng pagtulong sa pagtuklas [The art of teaching is the art of assisting discovery].” Mark Van Doren, makata, manunulat, at kritiko.
Mula sa pamilya ng mga magsasaka, pangarap ng mga magulang ni G. Abner Javier, 50 taong gulang mula sa Brgy. Balayhangin, Calauan, Laguna, na siya ay makapagtapos ng kolehiyo at tahakin ang ibang propesyon. Sa kanilang pagsisikap, nagtapos sa kursong Bachelor of Education si Abner.

Si Leo Casaclang: Huwaran ang Bagong Sibol na Kabataang Magsasaka

"Ang farming ay isang business profession kung saan ikaw ay gumagawa ng sarili mong produkto at binebenta sa merkado.” Ito ang mga katagang patuloy na isinasagawa ni Leo Manuel Casaclang, isang millennial farmer at may-ari ng Localroots Agricultural Farming and Services (Localroots), Learning Site for Agriculture (LSA) ng Agricultural Training Institute (ATI) Calabarzon na matatagpuan sa Sariaya, Quezon. Sa edad na dalawampu’t dalawa, tinahak na ni Leo ang pagsasaka. Pagkatapos sa kolehiyo ay agad sumabak sa pagsasaka si Leo.

Mga Kabataang 4-Her ng Barangay Potol, Masigasig na Isinusulong ang Agrikultura sa Komunidad

Sa isang payak na pamayanan ng Barangay Potol, Tayabas City, Quezon, may grupo ng kabataan na masidhi ang pagmamahal sa agrikultura. Sila ay mga miyembro ng 4-H Club of the Philippines [Brgy. Potol], isang samahan na sinusuportahan ng Agricultural Training Institute (ATI) sa CALABARZON.

Ako si Erica: Isang Kabataang Magsasaka

Aktibong miyembro ng 4H Club simula pa noong 2018, patuloy na inaakap at pinapalaganap ni Baby Erica P. Tanaotanao ang kabutihang dulot ng Agrikultura. Sa kasalukuyan, kumukuha si Erica ng kursong BS Agriculture sa ikalawang taon mula sa Cavite State University. “BS Agriculture yung kinuha ko kasi nakita ko yung potential ng Agriculture na pwedeng makatulong hindi lang para sa akin kundi para sa bansa natin,” saad ni Erica. Bata pa lamang ay nabuksan na ang kanyang kamalayan sa kahalagahan ng Agrikultura.

Ka Gigi Morris: Juanang Magsasaka, Juanang Kahanga-hanga

“Punta tayo sa MoCa Family Farm,” ito lagi ang sambit ng mag-anak nina Gng. Gloria Pontejos-Morris tuwing sila ay bibisita sa kanilang “farmhouse” sa Padre Garcia, Batangas.

Kilala sa tawag na Gigi o Ka Gigi, bumalik ang kaniyang pamilya mula sa Las Vegas, Estados Unidos papuntang Pilipinas upang manatili habang ang kaniyang asawa na si Bob Morris ay nadesitino pansamantala sa Afghanistan.

Sustenableng Pag-aalaga ng Baboy: Adhika ng LBPig sa Komunidad

Nakasaad sa Implementing Rules and Regulations (IRR) sa pag-poproseso ng aplikasyon sa pagtatayo ng manukan at babuyan na ang mga ito ay dapat itayo sa mga agricultural zones, sa labas ng mga sentrong pook. Kinakailangan din na ito ay nakalagak, 25 metro palibot sa mga mapag-kukunan ng malinis na tubig.

Isang pangunahing isyu sa pagtatayo ng babuyan sa mga sentrong pook ay ang mabahong amoy mula sa dumi ng mga alagang baboy.

Pages

Subscribe to Front page feed