“Punta tayo sa MoCa Family Farm,” ito lagi ang sambit ng mag-anak nina Gng. Gloria Pontejos-Morris tuwing sila ay bibisita sa kanilang “farmhouse” sa Padre Garcia, Batangas.
Kilala sa tawag na Gigi o Ka Gigi, bumalik ang kaniyang pamilya mula sa Las Vegas, Estados Unidos papuntang Pilipinas upang manatili habang ang kaniyang asawa na si Bob Morris ay nadesitino pansamantala sa Afghanistan.
Lumaki man si Ka Gigi sa syudad bago mamuhay sa ibang bansa, ang simpleng buhay sa ‘Pinas higit sa lahat ang buhay sa kanayunan ang kanilang plinano nuong binili nila ang isang-ekataryang lupa nan ais nilang gawing “retirement home.”
“We felt that na uuwi na rin kame sa Pilipinas, it’s a good idea for us to move in a rural community para we can also like help in a rural development,” aniya ni Ka Gigi.
Kaya mula sa “weekend farm” naging tahanan na ito ng pamilya nina Ka Gigi.
Pagbangon mula sa sakuna
Tulad ng ibang sakahan at bukid, hindi maiiwasan na may mga sakuna tulad na lamang ng bagyo.
Taong 2014, nang salantahin ng bagyong Glenda ang Pilipinas partikular ang rehiyon CALABARZON. Kasama na rito ang mga punong manga at alagang kuneho nina Ka Gigi.
“Unang venture ko as a family farmer ko ay yung Robby Rabbitry. Unfortunately, nuong bagyong Glenda, that was the biggest setback namin,” kuwento ni Ka Gigi.
Dahil sa pangyayaring ito, nakaramdam ng pagkabigo sina Ka Gigi at kahinaan ng loob na ipagpatuloy ang pagsasaka.
“But then I realized also, I cannot stop anymore dahil may mga umaasa na sa akin sa local community ko, may mga empleyado na ako,
Naging malaking pagsubok man ito kina Ka Gigi at sa kanyang pamilya at kasaman, hindi sila sumuko at muli silang bumangon dito.
Mula rito, naging aral kina Ka Gigi na maging multi-enterprise at multi-functional family farm.
“When you go into family farming, dapat relentless ka. Hindi ka pwede ma-down basta basta dahil maraming challenges ang farming,” dagdag pa ni Ka Gigi.
Ang MFFRLCI bilang isang multi-functional small-scale family farm
“This is a template or a model of one-hectare family farm where you can do like a multi-functional family farm,” ito ang paglalarawan ni Ka Gigi sa konsepto ng kanilang family farm. Sa isang ektaryang bukirin ay makikita ang iba’t ibang pasilidad na naitayo nila Ka Gigi; mula sa taniman nila ng mga gulay at iba’t ibang uri ng prutas, training and assessment facilities, kitchen and dining area, small-scale food processing facility, at ang pinakabago nilang dagdag ay ang Farmers’ Information and Technology Service (FITS) Center.
Mula sa kanilang core concept na 5 Fs and 1 E:“Farmily, Farming, Food, Fun, Faith and Education,” naka-sentrol sa pamilyang Pilipino na nagsasaka sa rural community ang misyon ng Moca Family Farm RLearning Center na kasalukuyan ay isa nang korporasyon. “It’s also our advocacy lalo na yung mga returning Filipinos, ang ating mga kababayan na Filipinos na nasa ibang bansa na karamihan ay pangarap nila ay makabalik ulit sa Pilipinas, na this is like it was design yung farm naging design para magsilbing parang template for a small-scale family farm pagka uuwi sila,” dagdag ni Ka Gigi.
Bilang isang farm family, ang buong pamilya ni Ka Gigi mula sa kanyang anak at asawa na isang horticulturist at isang propesor sa ibang bansa ay sama-sama nagtutulungan mula sa gawaing pangbukid hanggang sa pamamahala nito. At isa sa pinagmamalaki nina Ka Gigi at MFFLRLCI ang pagiging isang pamilya nila ng kanilang kasamahan .“All of our members, ang mga kasama namin dito sa farms, they are not treated like just an employee, they are really treated as a family.”
Dahil duon, ang mga serbisyo na kanilang inihaain sa publiko ang mga pangpamilya tulad ng “farm to table experience” at mga nais na maranasan ang buhay sa kanayunan.
Sa mahabang panahon ni Ka Gigi sa fashion industry, kanyang nagamit ang kaniyang kasanayan sa product development sa pagproproseso ng mga ani nila. “Parehas rin pala ng konsepto yung pagdedevelop at pagdedeisgn ng mga fashion items, ito ang ginagawa mo dito ay mga food items. Yung mga principles nun, inaapply ko lang ko rin ngayon kaya lang nasa agribusiness na.”
Mahalaga rin sa MFFRLCI na sila ay masaya sa kanilang ginagawa. “If you don’t have fun on what you’re doing, hindi mo na tutuloy yan,” ani Ka Gigi. Kasama rin sa pagpapatakbo at pamamahala sa kanilang small-scale family farm ay malakas na pananalig.“If you don’t have faith and believe on what you’re doing is something that meron meaning yun”
Ang MFFRLCI ay isang akreditadong TESDA Farm School at assessment center. “I am home schooled mom, ang farm na ito is naging parang campus nila. Yun actually isa sa mga lead rin for us later on i-convert ang farm ito a school, as a technical vocational institute for TESDA para maging partner rin kame ng TESDA in the development ng ating mga skills ng ating kabataan, tsaka mga kababaihan at pamilyang magsasaka,” ani Ka Gigi.
Sa kasalukuyan ang MFFLRCI ay nagbibigay ng mga pagsasanay mula sa TESDA sa Agricultural Crops Production NC II, Agricultural Crops Production NC II, Organic Agriculture Production NC II, Food & Beverage Services NC II, at Events Management NC III. At sila rin ay accredited TESDA assessment Center para sa Agricultural Crops Production NC I, Agricultural Crops Production NC II, Agricultural Crops Production NC III, at Food Processing NC II.
Dagdag pa rito ang pagiging isa sa regional Extension Service Provider (ESP) ng Agricultural Training Institute CALABARZON. Katuwang ang ATI Region IV-A ay nakapaglimbag ng libro tungkol sa katutubong halaman na “Sariling Atin” ang MFFLRCI.
Upang mapalawig pa ang pagtulong nila sa kapwa magsasaka at ibang kliyente, naidagdag pa nila sa kanilang serbisyo ang pagiging kauna-unahang ESP sa buong bansa na maging FITS Center.
Isa rin na maituturing ni Ka Gigi na sekreto sa tagumpay ng MFFRLCI, ay paglilinanang ng kapasidad ng mga empleyado nito. “When you want to develop a sustainable farm enterprise, you have to develop a capacitated staff,” pagpapaliwanag ni Ka Gigi.
Bilang Juanang Magsasaka
“Kelangan empowered juana ka,” ito ang payo ni Ka Gigi sa kapwa Juana niya. Bilang isang ina, naniniwala si Ka Gigi na mahalaga ang pagiging multi-skilled sa pamamahala ng isang family farm. Itinuturing niya itong isang kalakasan bilang isang magsasaka at namamahala ng isang organisasyon.
“Let’s be empowered and let’s not stop learning, kase the more education that we get the more empowered we are in farming,” dagdag pa niya.