Recent News

FITS Center, Inilunsad sa Trece Martires City

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Bilang tagapanguna sa pagpapatupad ng Techno Gabay Program (TGP) sa rehiyon, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang lokal na pamahalaan ng Trece Martires City sa pamamagitan ng Panglungod na Opisina ng Agrikultor ang paglulunsad ng ika-16 na Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa lalawigan ng Cavite.

Mga Bagong Tekniko, Sumailalim sa ETMCD Training

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) sa CALABARZON ang unang pangkat ng Pagsasanay sa “Extension and Training Management Capability Development (ETMCD) Course for Agricultural Extension Workers” na ginanap sa pamamagitan ng Zoom Application at ATI IV – A Training Hall, mula ika-4 hanggang ika-31 ng Mayo, 2022.

Ikalawang Taon ng Palay-Aralan, Nailunsad na sa Cavite, Laguna at Quezon

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE – Pinangunahan ng ATI CALABARZON ang tatlong pangkat ng birtwal na paglulunsad ng programang Palay-Aralan: Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon.
Tatlumpu’t tatlong mga lungsod at munisipalidad ang magiging kalahok ng programa para sa ikalawang taon ng pagsasahimpapawid nito sa darating na Hunyo hanggang Agosto.

Ikalawang Batch ng Pagsasanay para sa Local Farmer Technicians, Idinaos

Ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture – Regional Field Office (DA RFO) IV-A ay nagsagawa ng Capacity Enhancement Course on Organic Agriculture Production and Rice Technology Updates sa ABF Integrated Farms and Agribusiness Center, Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna noong ika-24 hanggang ika-26 ng Mayo, 2022.

MAISKwelahan, Magsasahimpapawid Ngayong Hunyo

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Pormal na inilunsad ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Laguna at Quezon, lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Panlungsod at Pambayang Opisina ng Agrikultor ang MAISKwelahan, isang radyo eskwela para sa pagmamaisan noong ika-26 ng Mayo, 2022.

Benipisyo ng RCEF, Maigting na Pinapalaganap sa mga Magpapalay ng Candelaria, Quezon

CANDELARIA, Quezon - Upang maibahagi sa mga magpapalay at benepisyaryo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang kaalaman patungkol sa Balanced Fertilization Strategy (BFS), nagsagawa ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Fertilizer and Pesticide Authority Regional Field Unit (FPA RFU) IV at Farmers' Information and Technology Services (FITS) Center Candela

Gabi ng Pasasalamat: Pagpupugay at Pagpaparangal sa Mahahalagang Kontribusyon

Bilang pagbibigay-pugay sa kanilang hindi matatawarang serbisyo publiko, ipinagdiwang ng ATI CALABARZON ang “Salamat-Mabuhay Program: Gabi ng Pasasalamat” para sa tatlong (3) kawani ng institusyon na sina Gng. Lucina O. Desnacido, Security Guard I; Gng. Angela S. Amoloza, Network Controller I; at Gng. Marites Piamonte-Cosico, Center Director (CD).

Pages