QUEZON Province - Bagong bersyon ng RCM ang itinuro ng mga kawani ng Agricultural Training Institute sa CALABARZON, sa mga Agricultural Technicians at Local Farmer Technicians sa mga bayan ng ikatlong distrito (Bondoc Peninsula) ng probinsya.
Simula ika 25 hanggang 27 ng Mayo, 2022 nagkaroon ng pagsasanay ang mga nabanggit na technicians. Para sa Training on Rice Crop Manager (RCM) Advisory Service 4.0 (RCM Briefings).
Pangunahing layunin nito na mapalawig ang kamalayan ng mga tekniko sa paggamit ng pinahusay na teknolohiyang RCM, at magamit ang kanilang natutunan upang turuan ang iba.
Ang RCM ay isang aplikasyon na maaaring magamit sa mga smart phone o kaya’y sa mga kompyuter na dinadaluyan ng internet. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang mga magsasaka ng rekomendsayon na maaari nilang gamitin sa kanilang ginagawang palayan. Nakapaloob sa rekomendasyon ang eksaktong araw kung kailan maglalagay ng pataba at kung gaano ito kadami. Makikita din dito ang mga alituntunin sa pangangalaga sa peste, damo, at pamamahala ng patubig.
Sina G. Gabriel A. Renegado ng DA-RFO, G. John Mark Vincent Pasang at G. Angelo Pabilonia ng DA-RARES ang mga naging tagapagsailta at nagturo at gumabay sa mga kalahok, patungkol sa kahalagahan ng RCM at kahalagahan ng pagsusukat ng GPS sa pagbibigay ng rekomendasyon ng RCM.
Ang mga kalahok ay inaasahang magkapagbigay ng kanilang re-enrty plan para sa kanilang proyekto.
Ulat ni: G. Hans Christopher Flores