Recent News

Ika-17 na Pangkat ng FBS, Isinagawa ng ATI CALABARZON at Villar SIPAG Farm School

Matagumpay na nagsipagtapos ang mga tagapagsanay sa ikalabing pitong pangkat ng Farm Business School (FBS) noong ika-25 ng Agosto, 2022. Pinasinayaan ni ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II Dr. Rolando V. Maningas ang pagtatapos. Sa kanyang pangwakas na mensahe, anya, “Farming is not an occupation for those who like security.

PAFES Phase I, Isinagawa sa Non-Pilot Provinces ng CALABARZON

Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO) IV-A ang isa sa mga aktibidad sa ilalim ng programang Province-led Agriculture and Fisheries Extension Systems (PAFES), na tinaguriang “Engaging Stakeholders in the Institutionalization of PAFES Phase I,” para sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, Quezon at

AEWs ng CALABARZON, Nagsanay ukol sa Rice Integrated Nutrient Management (INM)

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Ang Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños ay nagsagawa ng "Capability Enhancement Course for Agricultural Extension Workers (Approaches to Integrated Nutrient Management for Rice)” noong ika-8 hanggang ika-11 ng Agosto, 2022.

25 AEWs, Sinanay ukol sa Risk-based Pre-Inspection of Farms

Bilang pagsuporta ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa propesyonalisasyon ng sektor ng agrikultura at paghahanda sa mga Agricultural Extension Workers (AEWs) para sa Participatory Guarantee System (PGS), isinagawa ang Training on Risk-based Pre-Assessment of Farms for Organic Agriculture (OA), isang accredited training program ng Professional Regulation Commission (PRC) na may

Pagsasanay sa Basic Meat Inspection Course, Pinangunahan ng ATI at NMIS

LIPA CITY, Batangas - Pormal na sinimulan ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) ang Basic Meat Inspection Course (BMIC) noong ika–1 ng Agosto, 2022 sa NMIS Office, Lipa City Batangas. Dinadaluhan ng dalawampung (20) piling Agricultural Extension Workers (AEWs) mula sa iba't ibang bayan sa CALABARZON ang pagsasanay.

Piling Kabataang Magsasaka, Katuwang ng ATI sa Binhi ng Pag-asa Program

Batangas Province – Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Office of the Senator Grace Poe (OSGP) ang dalawang pangkat ng Provincial Training of Trainers for Binhi ng Pag-asa Program noong Hulyo19-21, 2022 at Hulyo 27-29, 2022 sa mga piling Learning Site for Agriculture (LSA) sa probinsya ng Batangas.

Agricultural Extension Workers, Nagkamit ng CPD Units

TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Bilang tugon sa pangagailangan ng professionalization ng mga Agricultural Extension Workers (AEW) sa rehiyon, nakatanggap ng 14 CPD units ang 25 na kalahok ng “Pagsasanay ng mga Tagapagsanay sa Teknolohiya ng Produksiyon ng Mais, Mekanisasiyon, at Negosyong Pag-unlad.” Ito ay sa pangunguna ng Agricultural Training Institute – CALABARZON.

Pages