Ang Agricultural Training Institute (ATI) ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong buwan ng Agosto taong 2017. Ito ay alinsunod sa Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
May temang “Filipino: Wikang Mapagbago”, ang pagdiriwang na ito ngayong taon ay may mga layunin na inisaad ng Civil Service Commission sa Patalastas Blg. 11, s. 2017. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
2. Mahikayat ang iba't-ibang ahensyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko.
3. Maganyak ang mga mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.