Nakikiisa ang Agricultural Training Institute (ATI) sa buong bansa sa pagdiriwang ng “Buwan ng Magsasaka at Mangingisda” ngayong Mayo. Sa pamamagitan ng temang “May pandemya man o wala, ang magsasaka’t mangingisda, maaasahan ng bansa”, tampok ang kontribusyon ng ating mga bayani sa bukid at palaisdaan upang magkaroon ng sapat na pagkain ang bawat Pilipino sa kabila ng nararanasang epekto ng COVID-19.
Ang bawat isa ay maaari ring maging parte ng selebrasyong ito sa pamamagitan ng pagsali sa “Thank A Farmer and Fisherfolk Today” campaign kung saan hinihikayat ang lahat na batiin at pasalamatan ang mga makakasalamuhang magsasaka at mangingisda bilang simpleng sukli sa kanilang kasipagan at dedikasyon.
Tumutok lamang sa mga social media account ng ATI at ng Department of Agriculture para sa mga aktibidad ukol sa “Buwan ng Magsasaka at Mangingisda”.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.facebook.com/dacentralphilippines/.
Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 33, s. 1989, na kumikilala sa natatanging kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisda sa bansa.