May Gulay na, May Manok pa sa Quezon City

Posted by: 

Matapos ang pamimigay ng gulay, manok naman.

Pinangunahan ni Department of Agriculture Assistant Secretary for Livestock William C. Medrano ang MOA signing para sa pagtatayo ng integrated urban gardens sa ilalim ng Plant, Plant, Plant- Urban Agriculture Program.

Limang barangay sa District II ng Quezon City ang nakatanggap ng starter kits mula sa DA. Kabilang sa mga ito ang Holy Spirit, Batasan Hills, Bagong Silangan, Commonwealth at Payatas. Ang pagsasanay ay pangungunahan ng DA Agricultural Training Institute. Samantala, ang mga alagaing manok ay manggagaling naman sa DA Bureau of Animal Industry.

Sa pangunguna ni Secretary William D. Dar, layunin ng programang Urban Agriculture Program na masiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa panahon ngayon kung saan may kinakaharap na pagsubok laban sa Covid 19. ### (Caroline Ann D. Rodero, BAI)

Reference:
Office of the Director
BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY
BAI Compound, Visayas Ave., Diliman, Quezon City
Contact Number: (02) 8528-2240 local 1101-1103
Email Address: bai_dir@yahoo.com

ATI Today

Extension services continue to evolve. With the challenges that extension workers and farmers face, the Agricultural Training Institute (ATI) continues to explore various strategies to improve its efforts as the extension and training arm of the Department of Agriculture. In over 30 years, the ATI has celebrated various successes and learned from the lessons during hard times. Nonetheless, we are proud to be standing the test of time through the support of our partners and the clientele themselves. This is the ATI Today, more committed to bring you extension services beyond boundaries.