TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Pinangunahan ng Agricultural Training Institute (ATI) – CALABARZON ang “Training of Trainers (TOT) on Production of High-Quality Inbred Rice Seeds and Farm Mechanization” para sa mga 15 kalahok mula sa rehiyon CALABARZON, MIMAROPA at Bicol.
Ilan sa mga mahahalagang bahagi ng pagsasanay ay ang pagsasagawa ng hands-on activities sa produksyon ng dekalidad na inbred rice seeds; aktuwal na paggamit sa makabagong makinarya sa pagpapalay at pagsasagawa ng Agro-Ecosystem Analysis (AESA).
Samantala, ang mga kalahok ay dumaan sa isang ”microteaching” activity bilang paghahanda sa kanilang mga isasagawang pagsasanay tulad ng Farmers’ Field School o FFS para sa mga magpapalay sa kanilang lugar.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe ang mga katuwang ng ATI-CALABARZON na sina PhilMech Director, Dr. Baldwin Jallorina, Secretary Isidro Lapena, Chair of the Senate Committee on Agriculture & Food, Sen. Cynthia A. Villar at Ms. Antonieta Arceo ng ATI Central Office.
Layunin ng pagsasanay na maging mahusay ang bawat kalahok upang maging isang epektibong tagapagsanay sa mga magsasaka ng palay. Isinagawa ang TOT mula ika-22 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Disyembre.