QUEZON Province- Pormal nang inilunsad ang programang “Farmer-Scientist RDE Training Program” o FSTP noong Nobyembre 17 at 19, 2021 sa bayan ng Lopez at Guinayangan Quezon.
Tinatayang nasa 41 na magsasaka ng mais ang dumalo at lumahok mula sa dalawang bayan. Ang programang ito ay pinamunuan ng FSTP-UPLB kasama ang Agricultural Training Institute (ATI) sa CALABARZON, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon gayundin ang lokal na pamahalaan ng Lopez at Guinayangan.
Nagbigay ng mensahe para sa mga kalahok at “farmer-scientists” ng Quezon ang Center Director ng ATI CALABARZON na si Bb. Marites P. Cosico. Nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta ang mga kinatawan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon gayundin ang lokal na pamahalaan.
Ang programa ay nakabatay sa formula na “KKAA” na ang ibig sabihin ay Kogi (hard work), Kugog (strength), Antos (Sacrifice), at Ampo (Prayer). Kasipagan, kalakasan, sakripisyo at dasal, apat na bagay na magiging sandata upang maging magtagumpay sa programa. Ito ay naglalayon na maiangat sa kahirapan ang bawat magsasakang PILIPINO.
Sa Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial