Bilang pagsuporta sa pagdiriwang ng National Organic Agriculture (OA) Month ng Kagawaran ng Pagsasaka, isinagawa ng Agricultural Training Institute Region IV-A ang “Ekstensyonistang OA 2021,” isang online quiz bee contest. Ito ay dinaluhan ng mga teknikong pansakahan mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Nagsilbing quiz master sa nasabing patimpalak si Bb. Abegail L. Del Rosario, Planning Officer II. Samantala, si Bb. Eda F. Dimapilis, ang Regional OA Focal Person ng Department of Agriculture CALABARZON, ang nagsilbing Punong Tagahatol o Chairman of the Panel of Arbiters. Kasama rin sa arbiters sina G. Vicente D. Limsan, Jr. mula sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) at si G. Philip M. Reyes, OA consultant. Ang naging saklaw ng paligsahan ay ang Republic Act 11511, Philippine National Standards on OA, OA concepts, principles at current events.
Si G. Marc Jevin Baretto, mula sa Tanggapang ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon, ang tinanghal na kampeon o ang Ekstensyonistang OA 2021.
Narito ang tala ng mga nakakuha ng pwesto sa isinagawang kompetisyon:
2nd place: Rizza Mae Empemano – Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna
3rd place: Melanie Cortez – Office of the City Agriculturist ng Sto. Tomas
4th place: Rhona May Deveza – Office of the Provincial Agriculturist ng Laguna
5th place: Edward Dionido- Office of the Municipal Agriculturist ng Maragondon
6th place: Kristen Mae Diokno – Office of the Municipal Agriculturist ng Indang
7th place: Maria Pilar – Office of the Provincial Agriculturist ng Rizal
8th place: Stephanie Viterbo – Office of the Municipal Agriculturist ng Magdalena
9th place: Jonard Ilag – Office of the Provincial Agriculturist ng Quezon
10th place: Nhel Welson Mandigma – Office of the Municipal Agriculturist ng Rosario, Batangas
Ang kampeon ay nagkamit ng P5,000 cash, perpetual trophy, customized medal at certificate of recognition. Ang ikalawang pwesto naman ay nakatanggap ng P3,000 cash, medal at certificate of recognition; ang ikatlong pwesto ay P2,000 cash, medal at certificate of recognition; ang ikaapat na pwesto ay nagkamit ng P1,500 cash, medal at certificate of recognition; at ang ikalimang pwesto naman ay nagtamo ng P1,000 cash, medal at certificate of recognition. Ang pang-anim hanggang pang sampung pwesto ay nagkamit din ng tig P500 cash at certificate of recognition.
Naging matagumpay ang “Ekstensyonistang OA 2021,” katuwang ang Provincial OA Focal at Alternate Focal Persons ng CALABARZON, sa kanilang patuloy na pakikiisa sa pagsulong ng organikong pagsasaka sa rehiyon.
Nilalaman at Larawan: Soledad E. Leal