Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Office of the Provincial Agriculturist at City/Municipal Agriculture Office sa lalawigan ng Cavite ang “Cassava Livelihood Training” noong ika-18 hanggang ika-19 ng Oktubre, 2021. Layunin ng pagsasanay na matulungan ang samahan ng mga kababaihan sa aspeto ng pagne-negosyo gayundin ay maitaguyod ang iba't ibang oportunidad sa pangkabuhayan sa pamamagitan ng value-adding gamit ang cassava.
Tinalakay ang mga paksa ukol sa Enterprise Development, Costing, Wastong Paggamit ng Stock Cards, Cash Flows, Purchase and Expenses, Sales and Receipts, Marketing, Cassava Recipes at Packaging and Labelling. Si G. Daynon Kristoff S. Imperial at Gng. Melanie Lorenzo ang nagsilbing mga tagapagsalita.
“Sigurado ako na marami sa atin ang nagka-interes sa pagpapatuloy ng ganitong negosyo. Sama-sama tayong natuto at ngayon mayroon na tayong maibabahagi sa ating mga kasamahan at pwede na nating gamitin sa negosyo,” ayon kay Gng. Evelinda Rotairo, isa sa mga kalahok ng pagsasanay.
Nilalaman at Larawan: Daynon Kristoff Imperial