Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO) IV-A at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños ang ikatlong batch ng "Capability Enhancement Course for Agricultural Extension Workers (AEWs) of CALABARZON (Approaches to Rice Integrated Pest Management)” noong ika-4 hanggang ika-8 ng Oktubre, 2021.
Ibinahagi ng tagapagtalakay mula sa DA Regional Crop Protection Center na sina Bb. Cecille Manzanilla, Bb. Pamela Marasigan at Bb. Madora Abril Gallegos ang Integrated Pest Management o IPM at mga peste sa palay maging ang mga sakit at paano ito mapapamahalaan. Samantala, tinalakay naman nila Bb. Virginia Ompad at Bb. Jolita Bantoc mula sa PhilRice Los Baños ang pamamahala sa ibon, daga at kuhol kasama na rin ang Agroecosystem Analysis (AESA) at PalayCheck Keycheck 7 mula sa 2020 revised edition ng Sistemang PalayCheck. Ipinaliwanag ni G. Joe Kim Cristal mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Candelaria, Quezon ang mga Information and Communications Technology (ICT) based tools on Rice tulad ng Rice Doctor, eDamuhan, Binhing Palay app at marami pang iba.
Sa araw ng pagtatapos, buong kagalakang ibinahagi ng mga piling kalahok ang mga mahahalagang natutunan nila mula sa pagsasanay at pasasalamat sa mga programa ng ATI CALABARZON. Nagpahatid ng pagbati si PhilRice Los Baños Branch Director Rhemilyn Relado. Nagpaabot naman si Bb. Sherylou C. Alfaro, Chief ng Partnerships and Accreditation Services Section (PASS), ng mensahe ng pasasalamat sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay.
Ang Capability Enhancement Course for AEWs (Approaches to Rice Integrated Pest Management) ay isang accredited training program ng Professional Regulation Commission kung saan ang mga kalahok ay makakatanggap ng 36 Continuing Professional Development (CPD) points. Dalawampung (20) rice AEWs at DA RFO IVA coordinators mula sa iba't ibang bayan sa CALABARZON ang nagsipagtapos.
Nilalaman at Larawan: Mary Grace Leidia