Ang Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A sa pakikipagtulungan sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ay nagsagawa ng ikatlong batch ng Capacity Enhancement on the Operations of Composting Facilities for Biodegradable Wastes (CFBW) noong ika-7 hanggang ika-8 ng Setyembre, 2021. Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa wasto at maayos na paggamit ng composting facilities na ipinagkaloob sa kanila ng BSWM.
Sa loob ng dalawang (2) araw na pagsasanay ay nagkaroon ng talakayan ukol sa tamang paraan ng pagbubulok o composting kasama din ang iba’t ibang paraan kung paano mapapanatili ang kaayusan ng mga nasabing facilities. Nagsilbing tagpagtalakay sina Bb. Josephine Bagaoisan, G. Glenn Serrano, G. Michael Ray Barbosa, Engr. Alresty Mationg at Bb. Sherry Mae Garcia.
Pinangunahan ni ATI CALABARZON Center Director Marites Piamonte-Cosico kasama si Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas at Partnerships and Accreditation Services Section Chief Sherylou Alfaro ang pagtatapos ng pagsasanay. Humanga si Dir. Cosico sa mainit na pagyakap ng mga kalahok sa organikong pagsasaka. Sa kabilang bands, saad ni G. Ryan Ireneo de Luna, ang Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Candelaria, Quezon, na “ito ang isa sa mga pagsasanay na nadaluhan ko online na enjoyable, interesado at organisado.” Dumalo rin sa pagtatapos si G. Ramon Nonato Plata, Municipal Agriculturist ng nasabing bayan.
Dalawampung (20) kawani mula sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor at Tanggapan ng Pambayang Kagawaran ng Kalikasan at Likas na Yaman ang nagsipagtapos sa nasabing pagsasanay. Ang pamahalaang lokal ng Candelaria ang siyang benepisyaryo ng nasabing facilities.
Nilalaman at Larawan: Soledad E. Leal