TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Matagumpay na naisagawa ang unang batch ng "Capability Enhancement Course for Agricultural Extension Workers (AEWs)” noong ika-12 hanggang ika-16 ng Hulyo, 2021 sa sentrong pasanayan ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa Trece Martires City, Cavite. Ito ay sa pangunguna ng ATI CALABARZON katuwang ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Los Baños at Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO) IV-A. Dalawampung (20) rice AEWs, DA RFO IV-A rice coordinators at mga kawani ng PhilRice Los Baños ang nagsipagtapos sa limang araw na pagsasanay.
Paksa mula sa 2020 revised edition ng Sistemang PalayCheck (para sa palayang may patubig) ang ibinahagi ng mga tagapagtalakay mula sa PhilRice Los Baños na sina Mel Anthony T. Talavera, Jolita S. Bantoc, Kristina Concepcion S. Labita, Engr. Jenno B. Ambrocio, Wendy B. Abonitalla, Lowel V. Guittap at Marc Gene T. Lapitan. Si AgRiDOC Joe Kim U. Cristal ng Municipal Agriculture Office ng Candelaria, Quezon ay nagbahagi rin ng kanyang kaalaman sa Farmers’ Field School (FFS) on Modernized Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification and Farm Mechanization.
Sa araw ng pagtatapos, iginawad ang mga sertipiko ng pagsasanay sa mga kalahok sa pangunguna nila Dr. Rolando V. Maningas, OIC Assistant Center Director ng ATI CALABARZON; Gng. Mary Grace Leidia, Project Officer; at Bb. Virginia Ompad, PhilRice Training Coordinator. Nagpahatid din ng pagbati si PhilRice Los Baños Branch Director Bb. Rhemilyn Relado.
Ang mga nagsipagtapos ay makakatanggap ng 34 Continuing Professional Development (CPD) points.
Nilalaman: Mary Grace Leidia