Panibagong pangkat ng mga kalahok ng Pagsasanay ng mga Facilitators sa Farm Business School (FBS) ang nagsipagtapos noong ika-3 ng Hulyo, 2021 sa Villar SIPAG Farm School, Bacoor City, Cavite. Dalawampung (20) magsasaka, opisyal at miyembro ng kooperatiba/asosasyon sa CALABARZON at karatig na rehiyon tulad ng NCR, MIMAROPA at Bicol ang bumuo sa pang-labing apat (14) na pangkat ng nasabing pagsasanay. Nakasama ng mga kalahok sa kanilang pagtatapos si Bb. Marites Piamonte-Cosico, Center Director ng ATI CALABARZON at Atty. Rhaegee B. Tamaña, Chief of Staff ng Senate Committee on Agriculture and Food. Nagpaabot din ng pagbati sina Gng. Vilma Dimaculangan, OIC Regional Executive Director ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-A; Dr. Rosana P. Mula, Deputy Director ng ATI Central Office at Senador Cynthia A. Villar.
“Ang inyong pagtangkilik sa mga ganitong programa ay napakalaking tulong sa paglago ng industriyang pang-agrikultura. The desire to increase income by taking advantage to market opportunities requires farmers to become better decision makers and better in competing in this new environment,” mensahe ni Senador Villar sa mga kalahok. Layunin ng pagsasanay na ito na magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga konsepto at gawain ng FBS at ng Farm Business Profitability.
“There is future in Agriculture, despite the pandemic and challenges you guys never cease to continue helping people in Agriculture”. Bakit? Sa programang ito ay lubos akong natuwa at namulat, bagaman ako’y bago pa lamang sa agrikultura ay natutunan ko na napakaraming resources na para tayo ay magtagumpay sa ating farm. Not only for profit, but also what we’ve learned. The power or responsibility to share. We can now share yung natutunan natin sa ating farmers at sa mga kabataan. Parang kaming mga seeds at ang FBS po ang fertilizer, so nasa amin na para magbunga and hopefully makatulong kami sa marami pang magsasaka,” pagbabahagi ni G. Christopher Rodriguez, isa sa mga kalahok ng pagsasanay.
Ang Pagsasanay ng mga Facilitators sa FBS ay isinagawa noong ika-21 ng Hunyo hanggang ika-3 ng Hulyo, 2021 sa pakikipagtulungan sa Villar SIPAG Farm School.
Nilalaman: Lizbeth L. David