Matagumpay na nagsipagtapos ang mga tagapagsanay sa ikalabing pitong pangkat ng Farm Business School (FBS) noong ika-25 ng Agosto, 2022. Pinasinayaan ni ATI CALABARZON OIC Training Center Superintendent II Dr. Rolando V. Maningas ang pagtatapos. Sa kanyang pangwakas na mensahe, anya, “Farming is not an occupation for those who like security. Kagaya ng maraming negosyo, may mga risks and uncertainties. Despite this, farming is the ultimate lifestyle and definitely, farming must be viewed as a business."
Dumalo rin si Ms. Marites Castro, OIC Regional Director ng Department of Tourism IV-A. Nagpaabot din ng pagbati at mensahe si Senador Cynthia A. Villar sa pamamagitan ng isang recorded message. Saad ni Senador Villar, “Ang inyong pagtangkilik sa mga ganitong programa ay napakalaking tulong sa paglago ng industriyang pang-agrikultura. The desire to increase income by taking advantage to market opportunities requires farmers to become better decision makers and better in competing in this new environment.”
Layunin ng FBS na maiangat ang teknikal na kaalaman at pagne-negosyong kasanayan ng bawat kalahok sa mga konsepto at gawain ng FBS at Farm Business Profitability para sa kanilang pamamahala sa pagsasaka.
Ulat ni: Daynon Kristoff S. Imperial