All aspirations and dreams can truly be achieved simply through patience and perseverance in life. Indeed, nothing is impossible, as long as you believe in your own ability and you become a good influence on the people around you.
On May 16, 2022, Dr. Rolando V. Maningas was designated as the new Office-In-Charge (OIC), Center Director of the Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A upon the appointment of the ATI Director, Ms. Rosana P. Mula under Special Order No. 83.
Dr. Maningas directly carried out planning on how to continue and further improve the activities and schemes focused on the vision and mission of the Institute with the help of his committed and hardworking staff. In the previous General Staff Meeting of the center, he sincerely acknowledged everyone who gives dedication and effort to continue to provide and spread effective extension services for our respected farmers and fishermen. Dr. Maningas also encouraged everyone to be more productive and be open to new knowledge and skills that could be shared with Agricultural Extension Workers as well as farmers and fishermen to continue raising the level of providing agri-fishery extension and modernize trainings for the region.
Before reaching where he is right now, just like the others, Dr. Maningas went through a lot of experiences and trials that gave him motivation and made him strong so that he could achieve what he was dreaming of. In this regard, just recently, he was invited by Mayao Parada Agricultural Integrated Highschool to give an inspirational message at the 5th Senior High School graduation.
Dr. Maningas did not waste this opportunity to give and present himself especially to the youth. The message he made was based on the experiences he went through, which is why Dr. Maningas is thrilled to share it with the graduating students. He believes that this is his chance to reach out and make the graduates understand that perseverance is one of the vital keys to ignite the dreams in everyone's heart.
Here is the entirety of his message.
“Isang matagumpay na pagbati sa 134 na maipagmamalaking magsisipagtapos sa araw na ito. Gayundin sa mga dakilang guro at kawani ng Mayao Parada Agricultural Integrated High School, at mga magulang na masusing gumabay upang inyong marating ang araw na ito! Sa lahat ng naririto upang saksihan ang matagumpay na araw na ito, masayang araw ng pagtatapos!
Isa pong karangalan na kami ay muling maimbitahan bilang tagapagsalita sa isang mahalagang okasyon sa inyong paaralan. Para po sa kaalaman ng lahat, ang Mayao Parada Agricultural Integrated High School ay isa sa aktibong kaakibat ng ATI CALABARZON sa pagpapalaganap ng mga kaalaman at kahusayan sa larangan ng agrikultura bilang isang Certified Learning Site for Agriculture. Ilan sa mga proyekto ng ATI Calabarzon noong mga nakalipas na taon ay ang School Garden Plant Boxes for Practical Agriculture on Sustainable Organic Vegetable Production, naging kalahok rin ang mga piling mag-aaral sa iba’t ibang programa ng ATI CALABARZON even during the pandemic, kagaya ng aming e-learning on Agriculture and Fisheries for K-12, Farm Business School, Training on IDOFS, Training on Good Agricultural Practices at Batang OA Quiz Bee. Kaya naman labis ang aming kagalakan sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng inyong paaralan sa aming tanggapan at pagbibigay prayoridad sa larangan ng agrikultura.
Sa totoo lamang po, naguumapaw ang aking kaligayahan na maging bahagi ng isang mahalagang milestone sa inyong buhay. Sa katunayan, ito ang kauna-unahan kong pagkakataon na maimbitahan sa isang pagtatapos. Kaya makakaasa po kayo na nakatatak na ang Mayao Parada Agricultural Integrated High School sa kasaysayan ng aking buhay. Kaya naman nang matanggap ko ang invitation to be the guest speaker for this special occasion, biglang nag-flashback sa akin ang aking kabataan. Kung inyong mamarapatin, yaman din lamang na ako ay inyong naimbatahan, hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang aking makulay na buhay mula sa pagiging isang mag-aaral hanggang sa buhay propesyonal.
Panglima ako sa anim na magkakapatid. Ang tatay ko ay isang janitor sa eskwelahang pinapasukan ng aking mga nakakatandang kapatid, habang ang nanay ko naman ay isang karaniwang housewife. Naaalala ko pa na bago ako mag-kinder, mayroong maliit na negosyo ang aming pamilya, isang payak na tahian dahil parehong marunong manahi ang aking mga magulang. Sa kasamaang palad, di ko pa man ramdam ang peak ng aming negosyo, ay nagsara rin ito sa dami ng ka-kompetensya. Magkagayon man, pinagsikapan pa rin ng aming mga magulang na mabigyan kami ng de-kalidad na edukasyon. At noong kapanahunan namin, ang pangarap ng bawat magulang ay makapagtapos kami sa pribadong paaralan.
Kaya naman pagpasok ng high school, kahit hirap na sa pera ang aking mga magulang ay pinagsikapan pa rin kami ng aking bunsong kapatid na maipasok sa pribadong paaralan. Di naman ako nag excel during high school, sakto lang. Ito kasi yung stage na ma-gimmick, mabarkada ako, I’m sure naranasan nyo rin, maraming distractions pero at the back of my mind, parati kong pinapaalala sa aking sarili ang pagsisisikap ng parents ko na mabigyan kami ng magandang kinabukasan, sa kabila ng paghihikahos sa buhay. So, kahit na marami ang distractions, tukso kung baga, at impluwensya dahil sa peer pressure, siniguro ko pa rin na hindi ako nagpapahuli sa klase at maayos ang grades ko. Definitely tulad nyo, maraming naganap sa high school days ko, both positive at negative (napalipat pa nga ako sa last section from section 1 during 4th year) pero hindi ako tumigil na mapatunayan na kaya kong makipagcompete in terms of grades and accomplishments dun sa mga nasa pilot section. Eventually, nakagraduate din ako ng highschool, tulad niyo ngayon, with flying colors!
Pero di natatapos sa high school life ang makulay kong kwento. Mas naging malaking hamon sa aking pamilya ang mapatapos kaming magkakapatid ng kolehiyo. Noon pa man, pangarap ko nang mag-UP. Pero gaya ng mga ordinaryong kabataan, minsan rin akong nawawala sa diskaril o sa focus sa buhay. In short, di ako nakapag-UPCAT dahil mas pinili ko ang bumarkada at gumimik. Pero hindi nahinto dun ang aking pangarap, hinusayan ko sa pamantasang aking pinasukan, at matapos ang isang taon, nakapagtransfer ako sa UP Los Banos sa kursong BS Agriculture. At dahil challenged nga ang aking pamilya financially, sinikap kong makakuha ng scholarships. Dahil dito, nakatapos ako ng kolehiyo nang walang binabayarang tuition fee, and the rest is history.
Pagka-graduate ko sa UP, akala ko mas madali na ang buhay, pero maniwala kayo sa akin, mga anak, mas maraming hamon sa tinatawag nating “real world”. Madami akong pinasukang mga trabaho both private at public. But to cut it short, how did I end up with ATI? Maniniwala ba kayo na ang unang trabaho ko sa ATI ay bilang isang security guard. Yes, you heard it right, as security guard. Ito ay dahil walang ibang regular position na available nung mga panahon na iyon. Almost 30 years old na ako that time when I decided na kailangan kong makahanap ng mas secure na trabaho so nag-attempt ako na pumasok sa pamahalaan. Pero hindi ko akalain na sa puntong iyon ay tatanggapin ko ang offer na ‘yon. Pero mas naging matimbang sa akin na mahalagang may permanenting trabaho sa pamahalaan. Hindi naging madali, with all my credentials and experiences, nilunok ko ang hanggang sa kahuli-hulihang patak ng pride na natirira sa akin. May mga time na gusto kong sumuko hanggang sa nagkaroon ng opportunity na ma-promote bilang Internal Audit Officer, isang task na nag alis sa akin sa gawaing pangbabantay, dahil dito, pinatunayan ko sa opisina ang aking mga kakayahan na maging mahusay na kawani. I grabbed every opportunity di lamang para mapatunayan ang aking mga kakayahan but also to hone my knowledge and skills. Tinanggap ko lahat ng mga pagsasanay, mga scholarships na meron at that time, at lahat ng mga pagkakataon para ako ay matuto at mahasa. Hanggang sa muli akong mapromote bilang Dormitory Manager, hanggang sa maging Information Officer, maging hepe ng Information Services, hanggang sa aking humigit kumulang dalawang dekadang paglilingkod sa ATI CALABARZON, ang inyong lingkod ang tumatayo nang OIC-Center Director ng aming tanggapan.
Sa haba po ng aking talambuhay, ang bottomline, di natatapos ang pagsubok sa buhay, kung baga sa mga promo, naka-unli ang mga challenges in life. Pero di dapat tumitigil, di dapat humihinto sa pag-abot ng mga pangarap. At kung minsan man na maligaw o madiskaril ka along the way, pwede naman ulit mag-reroute, kung sa nasirang sasakyan o kasangkapan, pwede namang magparepair. At minsan sa rerouting na iyon, marami ka pa palang madidiskubre sa sarili mo. Basta’t maniwala ka lang sa kakayahan at sa mga pangarap mo.
At kami po sa ATI CALABARZON ay naniniwala sa kakayahan ng bawat magsisipagtapos ngayong araw na ito. Nawa po ay magpatuloy ang matatag na ugnayan ng aming ahensya at ng Mayao Parada Agricultural Integrated High School bilang aming katuwang for promoting extension services in agriculture lalo na para sa mga kabataan.
Kaya kasabay ng malaking hakbang ninyo papunta sa panibagong kuwento ng inyong buhay, baunin at pahalagahan ninyo nawa di lamang ang lahat ng mga itinanim sa inyong kaalaman at kasanayan dito sa paaralan, pati na rin sa lahat ng inyong magiging karanasan sa mga susunod na araw, mga buwan, at taon. Dahil ang lahat ng ito, balang araw ay magbubunga rin ng hitik na hitik para sa inyong kinabukasan.
Muli, mula sa bumubuo ng ATI CALABARZON, ang aming mainit na pagbati sa inyong tagumpay. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa marami pang kabataan. Mabuhay ang kabataang may pagmamahal sa Pagsasaka!”
The OIC, Center Director continues to hope that what he has shared and the knowledge learned by the youth will not only stay in school as Dr. Maningas believes that with the help of new generation, our country's agriculture will continue to flourish and develop.
Written by: Christian Leonard M. Añonuevo