GUINAYANGAN, Quezon- Nagtapos sa unang yugto ng Farmer-Scientist Training Program o FSTP ng dalawampu’t siyam (29) na magsasaka ng mais na nagmula sa bayan ng Guinayangan, Quezon. Ang mga kalahok ay sumailalim sa mahabang panahon na pagsasanay patungkol sa mga tamang pamamahala ng produksyon ng mais na nagbigay sa kanila ng direktang exposure at karanasan sa pagsasagawa ng mga eksperimento sa crop production, post-harvest handling at marketing upang mabigyan din ng kalakasan ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo, makabuo ng iba’t-ibang istratehiya at values formation.
Ipinakilala ni Ginoong William R. Lopez, Jr. ang mga naging panauhin sa nasabing kaganapan. Nagbigay ng mensahe ang kasalukuyang Mayor na si Hon. Cesar J. Isaac III at si Vice Mayor Norman R. Dublois para sa mga kalahok. Kasama din sa nagbigay ng mensahe ang kinatawan ng FSTP University of the Philippines, Los Baños na si Ms. Wilma S. Velasco, ang kinatawan ng Agricultural Training Institute Calabarzon, Ms. Vira Elyssa L. Jamolin, gayundin ang kinatawan mula sa Panlalawigang Agrikultor ng Quezon na si Mr. Alexander Garcia. Ang presentasyon naman ng mga magsisipag tapos ay pinangunahan ni Municipal Agriculturist, Ms. Belina O. Rasales kasama ang mga panauhin.
Ang mga nagsipagtapos sa unang yugto ay nabansagan na mga “farmer scientist” at inaasahang makakatapos sa pangalawa at pangatlong yugto ng pagsasanay. Pinangunahan naman ni Ms. Carla O. Melodillar overview ng implementasyon ng Phase 2 ng pagsasanay kasama ang iba pang mga coorndinators mula sa FSTP UPLB, DA ATI IV-A, OPA Quezon at Muncipal Agriculture Office ng Guinayangan, Quezon.
Ulat ni: Daynon Kristoff Imperial