TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Ang Agricultural Training Institute CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Pagsasaka CALABARZON at Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng Kabite ay nagsagawa ng pagsasanay ukol sa “Training on Quantum Geographic Information System” para lalawigan ng Kabite. Ang aktibidad ay nabibilang sa programa ng Bantay ASF sa Barangay o BABay ASF sa ilalim ng DA National Livestock Program.
Dalawampung (20) kalahok mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ng Kabite ang sinanay ukol sa tamang pagbabalangkas at pagmamapa ng lugar ng mga nag-aalaga ng baboy gamit ang Quantum Geographic Information System. Ito ay upang maging madali ang pagtukoy ng mga munisipyo at siyudad ang mga lugar na kailangan nilang matiyagan at tutukan. Ang mga tagapagsalita mula sa DA- Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory na sina G. Brian B. Perile at G. Peter Fadriquelen.
Ang mga nagsanay na kalahok ay magiging katuwang ng mga Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa tamang pag-uulat at pagmamatyag ng mga kaso ng African Swine Fever sa kani-kanilang mga bayan at lungsod.
Ulat ni Marian Lovella Parot