SARIAYA, Quezon - Pormal na inilunsad ang Farmers' Information and Technology Services (FITS) Kiosk sa pangunguna ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang Flor and Daisy's Agricultural Farm, isang School for Practical Agriculture sa Sariaya, Quezon. Layunin ng programa na maiparating ang mga teknolohiya at impormasyon na nakabatay sa agham sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang kliyente sa pamamagitan ng FITS Kiosks sa isang komunidad.
Pinangunahan ni ATI CALABARZON OIC Center Director Dr. Rolando V. Maningas ang pagpirma sa Letter of Agreement (LOA) at pagbubukas ng FITS Kiosk sa publiko. Nagpaabot naman ng pagsuporta ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon, Southern Luzon State University at Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Sariaya.
Sa kasalukuyan ay mayroong 45 na FITS Kiosks sa buong rehiyon.
Edited by: JBalmeo