CAVINTI, Laguna- Isinagawa ang pagsasanay sa "Goat Raising for Meat Production as Livelihood Alternative" sa kolaborasyon ng Agricultural Training Institute (ATI)-CALABARZON at Farmshare Prime, isang Learning Site for Agriculture ng ahensya.
Layunin ng nasabing pagsasanay ay pataasin ang antas ng kakayahan ng mag-aalaga ng kambing at isulong ito bilang alternatibong kabuhayan at pinakukunan ng kita sa kanayunan.. Dinaluhan ito ng dalwampu’t pitong (27) na mga goat enthusiast, farmer leaders, at kabataang magsasaka mula sa Probinsya ng Laguna at Quezon.
Naging makabuluhan ang tatlong araw ng pagsasanay para sa lahat sapagkat itinuro sa mga kalahok ang Anatomy & Physiology, Goat Selection, Goat Reproduction maging ang Common Husbandry Practices at Record Keeping ng ika-unang araw. Ibinahagi din sa mga kalahok ang Common Diseases & Control, Housing Systems, Nutrition & Feeding Requirements, Farm Management Practices maging ang Actual na Quarantine Procedure at Hospital & Necrospy at tamang Slaughter Procedures ng Ikalawang araw ng pagsasanay.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na makapag Goat House Tour ng ikatlong araw. Nagsilbing tagapagsalita sina G. Augosto Tengonciang, G. John Paul Del Rosario at Bb. Rosemarie Espallardo at G. Eric Caber mula sa Farmshare Prime.
Ilan sa mga kalahok ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa pamamagitan ng pagsagot sa ebalwasyon ng pagsasanay. Ayon kay Gemma Sebastian, “I appreciate the knowledge that I gathered here, lalo na yung discussions. Napakalawak at marami akong natutunan. Yung aktwal na mga gawain naman, makatutulong talaga sa akin.” Ayon naman kay Leopoldo Corales, “Nagkaroon ako ng awareness pagdating sa goat farming.”
Masiglang nagpaabot ng pagbati ang Center Director ng ATI-CALABARZON na si Bb. Marites Piamonte-Cosico at Asstistant Center Director, Dr. Rolando Maningas. Ibinahagi din ni Dr. Maningas ang kanyang mga inaasahan mula sa mga kalahok na mapalawig pa at magamit nila ang mga baon nilang siksik liglig na mga kaalaman mula sa pagsasanay.
Naganap ang pagsasanay noong ika-25 hanggang 27 ng Pebrero 2022.
Ulat ni Renzenia Rocas