TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Pinangunahan ng Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A ang taunang gawain na Techno Gabay Program (TGP) Summit 2021 na may temang, “Strengthening the Agricultural Extension through Digital Innovation" noong ika-1 hanggang ika-3 ng Disyembre, 2021. Layunin ng programa na maibahagi sa Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Centers, Kiosks, Magsasaka Siyentista (MS) at iba pang tagapagpatupad ng programang Techno Gabay ang mga inobasyon sa pang-ekstensyon na gawain gamit ang iba’t ibang digital platform upang maihatid ang mga angkop at makabagong teknolohiya sa agrikultura higit sa panahon ng pandemya.
“Batid natin na magpapatuloy pa din ang banta ng COVID 19 and we need to live with it. Katulad ng TGP theme ngayon, we will continue to “Strengthen Agricultural Extension through Digital Innovation. Sa nagdaang mga taon, tiwala kami na aming naihanda ang mga FITS Centers sa pagharap sa mga hamon na dulot ng pandemya. Pinagtibay natin ang paggamit ng Information and Communication Technology support tools tulad ng optimization ng social media at iba pa,” ani ni ATI Region IV-A Center Director Marites Piamonte-Cosico sa kanyang bating pagtanggap.
Sa pagbubukas ng programa, nagkaroon ng pagbabahagi ang mga team leaders mula sa State Universities and Colleges ng mga tagumpay at mga pinakamahusay na kasanayan ng mga FITS Centers mula sa limang (5) probinsya sa rehiyon. Kaugnay rin dito, ipinahayag ni Bb. Janine Cailo, TGP Focal Person, ang mga naging gawain ng ahensya sa loob ng buong taon sa ilalim ng programa. Sa ikalawang araw naman, nagkaroon ng talakayan patungkol sa makabagong paghahatid ng mga pang-ekstensyon na gawain at napapanahon na pagbabahagi ng kwento ng tagumpay sa pagsasaka sa pamamagitan ng digital platform. Naging bahagi ng talakayan sina ATI Region IV-A Assistant Center Director Dr. Rolando V. Maningas, Chief Science Research Specialist Marita A. Carlos mula sa Applied Communication Division ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) at Editor-in-Chief Yvette Tan mula sa Agriculture Magazine.
Sa ikatlong araw ng gawain, binigyan ng pagkilala ang mga FITS Centers sa kanilang mga naging gawain mula sa taong 2021 at mga patimpalak sa iba’t ibang kategorya na Best in Information and Technology Services, Vlogging Contest, Photo Essay at Best Accomplishment Poster. Iginawad din ang parangal sa sampung (10) FITS Centers na may aktibong social media pages.
Narito ang mga nagwagi na mga FITS Centers sa iba’t ibang kategorya:
I. Best in Information and Technology Services Award
1st - FITS Center Bacoor City, Cavite
2nd - FITS Center Imus City, Cavite
3rd - FITS Center OPA Quezon
II. Vlogging Contest on Magsasaka Siyentista Best Practice
1st - FITS Center OPA Laguna
2nd - FITS Center Guinayangan, Quezon
3rd - FITS Center OPA Cavite
III. Best FITS Highlights of Accomplishments Poster
1st - FITS Center Imus City, Cavite
2nd - FITS Center Candelaria, Quezon
3rd - FITS Center OPA Quezon
IV. Photo Essay Contest – Magsasaka Siyentista in Action
1st - FITS Center OCVAS Batangas
2nd - FITS Center Bacoor City, Cavite
3rd - FITS Center Lucena City, Quezon
V. Top Performing FITS Social Media Account
Bacoor City, Cavite
OPA Laguna
Candelaria, Quezon
San Luis, Batangas
Taytay, Rizal
Tanauan City, Batangas
OPA Quezon
General Nakar, Quezon
OPA Batangas
MoCa Family Farm Rlearning Center
Isa rin sa inobasyon ng gawain ang pagkakaroon ng virtual exhibit sa mga accomplishment poster ng FITS Centers. Ito ay inulunsad sa opisyal na website ng ahensya, kaalinsabay ang pagbubukas ng Viber community at bagong Facebook group ng ATI Region IV-A.
edited: JBalmeo