TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Inilunsad ang tatlong (3) Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa bayan ng Victoria, Laguna; Mauban, Quezon; at Victoria, Laguna noong Nobyembre, 2021. Ang mga bagong tayong FITS Centers ay karagdagan sa animnapu’t apat (64) na sentro sa rehiyon Calabarzon at magsisilbing “one-stop service facility” para sa mga magsasaka, mangingisda, mga kabataan, at iba pang kliyente na nagnanais maragdagan ang kaalaman sa pangingisda at pagsasaka.
Bilang kinatawan ng ahensya, nagbigay ng mensahe ng pagsuporta si ATI Calabarzon Center Director Marites Piamonte-Cosico. “Kami sa Agricultural Training Institute CALABARZON, ay nagpapasalamat sa pagyakap ng inyong bayan sa programang ito. Makakaasa kayo na kami, kaisa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at State Universities and Colleges ay nakaagapay sa pagpapatupad ng Techno Gabay Program,” ani Dir. Cosico.
Nagkaroon ng maikling pagpapakilala ng programa na Techno Gabay sa mga nasabing bayan si Bb. Janine Cailo, Techno Gabay Program (TGP) Focal Person. Ang pagtatayo ng FITS Center ay isang bahagi ng TGP. Nakapaloob din sa programa ang pagpapahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials, pagpapakilala ng paggamit ng mga Information and Communication Technologies (ICTs) tulad ng Rice Crop Manager (RCM) at iba pang internet-based information resources, at panghuli ang pagkakaroon ng Magsasaka Siyentista (MS) bilang katuwang ng FITS Center sa pagbabahagi ng mga teknolohiya sa mga kapwa nila magsasaka.
Bahagi ng paglulunsad ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa adapsyon ng programa sa pang-ekstensyon gawain ng kanilang bayan.