TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Ngayong buwan ng Nobyembre ay nakiisa ang Agricultural Training Institute- CALABARZON sa pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM), kaalinsabay ng National Organic Agriculture Month.
Naghanda ng iba’t-ibang patimpalak ang Center bilang pagsuporta sa adbokasiyang ito. Sa taong ito, ay muling inihandog ng ATICALABARZON ang mga sumusunod:
1. Tiktok challenge, isang dance contest na nagpapakita ng iba’t-ibang Gawain sa bukirin;
2. Spoken Poetry – isang palay-tulaan ukol pa rin sa pagpapalayan
3. Search for Empleyadong Riceponsibly Heatlhy para sa mga kawani ng ATICALABARZON
4. Webinar ukol sa Rice Coffee
5. Search for Ekstensyonistang OA, isang online quiz bee para sa mga Agricultural Extension Workers ng rehiyon
6. Webinar ukol sa Growing Vanilla planifolia: The Organic Way.
Narito ang mga nagwagi sa Spoken Poetry:
4th runner- up – Marilou Muega – Liliw, Laguna
3rd runner-up – Rydelle Vallejo – Sta. Cruz, Laguna
2nd runner-up – Angel Raven Torres – Los Banos, Laguna
1st runner-up – Rojett Saraza – Cabuyao, Laguna
Champion – Joshua Rubina – Magdalena, Laguna
Mga nagwagi sa Tiktok Dance Challenge:
3rd runner- up – Municipal Agriculture Office ng Mauban, Quezon
2nd runner-up – Municipal Agriculture Office ng Siniloan, Laguna
1st runner-up – Municipal Agriculture Office ng Kalayaan, Laguna
Champion – 4-H Club ng Los Banos, Laguna
Narito naman ang mga nagwagi sa Search for Empleyadong Riceponsibly Healthy, cooking demo:
3rd runner up – Moringa-Kalabasa Rice Balls – Ms. Lizbeth David
2nd runner-up - Healthy Lumpia with brown rice – Ms. Julie Ann Tolentino
1st runner-up – Paella Negra – Mr. Mervin Vitangcol
Champion – Black Rice bilo-bilo – Mr. Darren Bayna
Para sa photography contest:
2nd runner -up: Ms. Soledad Leal
1st runner up – Ms. Geelyn Mercado
Champion- Ms. Julie Ann Tolentino
Binigyang-din ng pagkilala ang mga nagwagi sa Search for Ekstensyonistang OA 2021 na ginanap noong Nobyembre 18, 2021 sa pamamagitan ng zoom application. Tatlumpu’t walong mga teknikong pansakahan ang nagtagisan ng galling sa nasabing online quiz bee. Tinanghal na kampeon si G. Marc Jevin Barretto mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon.
Nagkaroon din ng webinar noong Nobyembre 26, 2021 sa pamamagitan ng online platform. Noong umaga ay isinagawa ang Webinar na “Growing Vanilla planifolia: The Organic Way” kung saan ay naging tagapagtalakay si Bb. Ma. Carmela V. Toreja ng Vilela’s Farm, isang certified Learning Site for Agriculture. Sa hapon naman ay isinagawa rin ang isa pang webinar na may titulong: “Now Brewing: Rice Coffee” at naging tagapagtalakay si Bb. Chona Bandola mula sa Pagbilao, Quezon.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang ng NRAM at National Rice Organic Month.
Samantala nagpaabot din ng pasasalamat ang ATICALABARZON sa mga ahensyang tumulong upang maging matagumpay ang mga gawaing ito katulad ng Department of Agriculture – Regional Field Office IV-A, Philippine Rice Research Institute – Los Banos.
Ulat ni: Bb. Soledad Leal