Isinagawa ng Agricultural Training Institute CALABARZON katuwang ang Bureau of Plant Industry - National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS) ang Refresher Course on Inbred Rice Seed Production and Certification for Seed Grower noong ika-22 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2021. May kabuuang labinlimang (15) kalahok mula sa rehiyon ng CALABARZON ang dumalo sa pagsasanay.
Nagsilbing tagapagtalakay sa tatlong (3) araw na pagsasanay si Gng. Ma. Annie S. Bucu, Agricultural Program Coordinating Officer ng lalawigan ng Cavite, kung saan tinalakay niya ang Status of Implementation of Rice Program in the Region/Buffer Stocking. Ibinahagi rin ni Bb. Wendy Abonitalla mula sa PhilRice Los Baños ang mga Newly Approved NSIC Varieties. Samantala, ang Updates/Issues on Pest Management ay ipinaliwanag nina Bb. Pamela F. Marasigan at Bb. Madora Abril D. Gellegos. Para naman sa Integrated Cultural Management at Harvest and Post-Harvest Technologies, ito naman ay tinuran ni G. Gabrel Flancia ng PhilRice Los Baños, at ang Guidelines on Seed Testing and Certification, Role of Seed Grower at Seed Inspector ay ibinahagi naman ni Bb. Perla Banez ng BPI-NSQCS.
Ang pagsasanay ay naglalayon na mabigyan ng updates sa mga patakaran, mga patnubay sa pag-proseso ng sertipikasyon gayundin ay mapaunlad ang kakayahan ng mga rice grower sa mga teknolohiya sa produksyon ng pagbibinhi mula sa mga prayoridad na probinsya ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.
Nilalaman at Larawan: Mervin Vitangcol