Ang Agricultural Training Institute (ATI) Region IV-A katuwang ang Department of Agriculture Regional Field Office (DA RFO) IV-A ay nagsagawa ng Capability Enhancement Course for Local Farmer Technicians (LFTs) of CALABARZON (Training on Agroentreprenuership) noong ika-20 hanggang ika-24 ng Setyembre, 2021. May kabuuang dalawampung (20) LFTs mula sa lalawigan ng Quezon, Rizal at Laguna ang nagsipagtapos sa pagsasanay.
Sa loob ng limang (5) araw na pagsasanay, ibinahagi ng tagapagtalakay na sina Gng. Kristine A. Ramos ng Uma Verde Econature Farm Inc. sa Candelaria Quezon; G. Augusto “Bart” Tengonciang ng Farmshare Prime sa Cavinti, Laguna; at Gng. Ma. Magdalena R. Ripas ng Encarnation Farm sa Dolores, Quezon, ang modyul ng AgroEntreprenuership NC II at NC III.
Sa araw ng pagtatapos, ibinahagi ng mga piling mga kalahok ang mahahalagang natutunan nila at kanilang pasasalamat. Gayundin, ipinahayag ni Gng. Marissa Hassan, DA RFO IV-A LFT Program Coordinator, ang kanyang handang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga LFT at pasasalamat sa naturang programa ng ATI Calabarzon.
Bilang pangwakas na pananalita, inilahad ni ATI Region IV-A Center Director Marites Piamonte-Cosico ang kanyang mensahe ng pagsuporta at pag-abot ng kanyang buong pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi upang maging matagumpay ang nasabing pagsasanay. Higit sa lahat sa mga nagsipagtapos na magigiting na LFTs na kahit sa kabila ng kinakaharap na pandemya ay bukas loob ang kaisipan na matuto tungkol sa Agroentrepreneurship. Hiling din niya na maisagawa ng mga LFTs ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay at maibahagi nila ito sa kapwa magsasaka sa kanilang mga lugar.
Nilalaman at Larawan: Mary Grace Leidia