TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Dalawang aktibidad ang isinagawa ng ATI Calabarzon sa ilalim ng programang Techno Gabay: ang dalawang pangkat ng online “Assessment of FITS Centers in the Implementation of Techno Gabay Program in Calabarzon.”
Layunin ng gawain na masuri ang pagganap ng mga Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa buong rehiyon sa mga serbisyo nito sa pagbibigay ng teknolohiya at impormasyon sa pagsasaka at pangingisda. Ito ay may tatlong kabuuan: una, ang plenary-worshop; pangalawa, ang re-orientation meeting para sa mga FITS Managers; at panghuli, ang field evaluation.
Ang unang bahagi ng ay pinangunahan ng ahensya, kasama ang mga Partner Agencies mula sa mga State universities and colleges (SUCs) at mga Farmers’ Information and Technology Services Centers sa Tanggapang ng Panlalawigang Agrikultor noong ika-12 ng Agosto ng kasalukuyang taon.
Sa plenary-workshop na isinigawa, nagkaroon ng presentasyon si Dr. Almira G. Magcawas mula sa Cavite State University sa “Agency Evaluation and Assessment of Performance of FITS Center in Region IV-A.” Kanyang tinalakay ang mga indikador sa pagtatasa ng mga gawain ng mga FITS Centers sa rehiyon.
Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan at team leaders mula sa Cavite State University, Laguna State Polytechnic University, at Batangas State University.
Kasama rin sa pagpupulong ang mga FITS Center Managers at staff mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Sa ikalawang bahagi naman nito ay ay isinagawa ang virtual “Reorientation Meeting” para sa mga Managers ng Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center.
Sa pagpagpupulong, nagkaroon ng dalawang paksa patungkol sa Techno Gabay Program at Mandanas-Garcia Ruling. Tinalakay ni Bb. Janine Cailo, TGP Focal Person, ang apat na modalities ng TGP samantalang nagsilbing tagapagsalita naman si Bb. Abigael Del Rosario, Planning Officer II sa Mandanas-Garcia Ruling.
Sa ikalawang bahagi ng virtual meeting ay nagkaroon ng workshop patungkol sa pagpaplano sa information at technology services ng mga FITS Centers sa taong 2022.
|
Dinaluhan ito ng mga kalahok mula Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal ng ika-19 Agosto 2021.
Ang panghuling bahagi ng gawain ay field evaluation na pangungunahan ng mga team leaders mula sa OPA FITS Centers at SUCs sa ikaapat na bahagi ng taon.