TRECE MARTIRES CITY, Cavite- Upang makapagbigay ng balita at mga kaganapan sa sektor ng agrikultura sa rehiyon CALABARZON, inilunsad ng Agricultural Training Institute Region IV-A ang “ATIng Balita” sa opisyal na Facebook page nito.
Sa unang kabanata nito, ang “Field CorresFARMdent” na si G. Renato Ferrer mula sa ahensya ang nagsilbing tagapagbalita patungkol sa kasalukuyang estado ng Techno Demo Farm na “UrbanATInTo” at mga gawain ng ahensya sa Urban Agriculture Program.
Ang mga “Field CorresFARMdent” mula sa mga kaagapay ng ATI CALABARZON tulad ng mga Farmers Information and Technology Services (FITS) Center, Tanggapan ng Pambayan at Panglungsod na Agrikultor, State Universities and Colleges (SUCs), at National Government Agencies naman ang magbibigay ng balita tungkol sa mga serbisyo, pang-ekstensyon na gawain, at inobasyon bilang tugon sa pandemya.
Ang “ATIng Balita” ay napapanood sa opisyal na Facebook page ng ATI Calabarzon simula noong ika-9 hanggang 31 ng Agosto 2021, sa ganap ng ika-10 ng umaga mula Lunes hangang Biyernes.