Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Sta Cruz, Laguna, ganap nang FITS Center

Posted by: 

STA. CRUZ, Laguna- Pormal na inilunsad ng ATI Calabarzon ang ika-18 Farmers' Information and Technology Services (FITS) Center sa lalawigan.

Pinangunahan ni ATI CALABARZON OIC Assistant Center Director Gng. Sherylou C. Alfaro, bilang kinatawan ni OIC Center Director Dr. Rolando V. Maningas, kasama sina Provincial Agriculturist G. Marlon Tobias, Laguna State Polytechnic University Team Leader Engr. Rommel Octavius Nuestro, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan nina Pambayang Administrador G. Melvin Bonza, Pambayang Konsehal Hon. Norman Tolentino at Pambayang Agrikultor Gng. Benedicta Tobias ang pagbubukas ng FITS Center at Memorandum of Agreement signing.

Samantala, ipinakilala naman ni Gng. Lagrimas Pamatmat, kinatawan ng Office of the Provincial Agriculturist Laguna FITS Center, ang mga magsisilbing tagapamahala.

Magsisilbing “one-stop facility” ang nasabing sentro para sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kliyente na nagnanais madagdagan ang kanilang kaalaman sa agrikultura sa pamamagitan ng mga babasahin o mga Information, Education and Communication (IEC) materials at paggamit ng mga Information and Communications Technology (ICT) tools higit sa lahat ng mga applications tulad ng Rice Crop Manager (RCM) at e-Learning.

Sinaksihan ng mga kinatawan ng mga magsasaka at miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ang nasabing gawain.

In this article: