Training on Quantum Geographic Information System: Tamang Pagtatala, Pagbabalangkas at Pagmamatyag para sa BABay ASF Program

Ang mga kalahok ng Training on Quantum Geographic Information System habang nakikinig sa talakayan.

LUNGSOD NG TRECE MARTIRES - Ang Agricultural Training Institute CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Pagsasaka CALABARZON at mga Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng CALABARZON ay nagsagawa ng pitong (7) pangkat ng “Training on Quantum Geographic Information System” sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Ito ay ang pang-apat o panghuling aktibidad sa ilalalim ng prorama ng Bantay ASF (African Swine Fever) sa Barangay o BABay ASF sa ilalim ng Department of Agriculture National Livestock Program.

Isang daan at limang (105) kalahok mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ang sumailalim sa pagsasanay ukol sa tamang pagbabalangkas ng lugar ng mga nag-aalaga ng baboy gamit ang Quantum Geographic Information System upang maging madali ang pagtukoy ng mga Barangay Biosecurity Officers ng mga lugar na kailangan nilang matiyagan at tutukan. Sina G. Brian B. Perile at G. Peter Fadriquelen, mula sa DA Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, ang mga naging tagapagsalita sa nasabing pagsasanay.

Ang mga nagsanay na kalahok ay magiging katuwang ng ating mga Tanggapang ng Panlalawigang Beterinaryo sa tamang pag-uulat at pagmamatyag ng mga kaso ng AFS sa kani-kanilang mga bayan at lungsod.

Nilalaman: Marian Lovella A. Parot