TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ay nakikiisa sa vaccination program ng bansa na “RESBAKUNA: Kasangga ng Bida” na naglalayong ma-protektahan hindi lamang ang sarili, kundi pati na rin ang mga mahal sa buhay.
Kaugnay nito, karamihan sa mga kawani ng ATI CALABARZON na kabilang sa A3 at A4 Priority Group ang nabigyan ng unang dosis ng bakuna laban sa COVID-19. Ito ay sa pakikipag-ugnayan sa City Health Office ng Lungsod ng Trece Martires, sa pangunguna ni Alkalde Gemma Lubigan. Isa rin ito sa mga inisyatibong inihain ng Komite sa Kaligtasan at Pangkalusugan sa Trabaho (Occupational Health and Safety Committee) ng ATI CALABARZON sa pamumuno ni Center Director Marites Piamonte - Cosico upang mabigyan ng pangkalusugang proteksiyon ang mga kawani nito.
Sa kabuuan, meron ng 41 ang nakatanggap ng unang dosis at dalawa (2) naman ang naka-kumpleto na ng bakuna.
Ito ay isinagawa noong buwan ng Hunyo 2021 sa mga itinalagang vaccination sites sa Lungsod ng Trece Martires.
Mula kay: July Ann A. Tolentino