TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ang “Pagpupulong ng Regional ESP Accreditation Advisory Council,” sa pangunguna ng ATI-CALABARZON, kasama ang mga miyembro ng Regional Extension Service Provider (ESP) Accreditation Council ngayong ika-25 ng Hunyo 2021.
Dinaluhan ito nina Ms. Eugenia M. Buctuaon, Agriculturist II mula sa BPI-LB bilang RAFEN Representative; Dr. Lilibeth P. Novicio, Director mula sa University Extension Services ng Cavite State University bilang SUC Representative; Bb. Suzette S. Sales, Farm Owner ng Sweet Nature Farms bilang Private Sector Representative; at mga LGU Representatives na sina: Bb. Lilian M. Telmo, Cooperative Development Specialist II mula sa TanggapangPang-agrikultor ng lalawigan ng Cavite; Bb. Frene C. Dela Cruz, Agricultural Technologist mula sa Tanggapang Pang-agrikultor ng lalawigan ng Laguna; Bb. Piedad M. Quizon, Supervising Agriculturist mula sa Tanggapang Pang-agrikultor ng lalawigan ng Batangas; Engr. Pocholo F. Raymundo, Agricultural Engineer II mula sa Tanggapang Pang-agrikultor ng lalawigan ng Rizal, at G. Sherwin Kenneth P. Deloraya, Agriculturist II mula sa Tanggapang Pang-agrikultor ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, bilang Regional Secretariat ng ESP Accreditation Advisory Council at Chief ng Partnerships & Accreditation Services Section (PASS) ng DA-ATI 4A, Bb. Sherylou C. Alfaro, pinamunuan n’ya ang pagpapadaloy ng aktibidad, kasama sina G. Ric Jason T. Arreza, at G. Darren B. Bayna na mula sa DA-ATI 4A.
Ang naturang pagpupulong ay pormal na binuksan sa pamamagitan ng isang pambungad na mensahe ni OIC, Assistant Center Director, Dr. Rolando V. Maningas.
Kabilang sa agenda ng pagpupulong ang, “Proposed Amendments of the Implementing Rules and Regulations on the Accreditation of Private Agriculture and Fisheries Extension Service Providers (PAF-ESP); (2)1st Semester Regional ESP Highlights of Accomplishments, at (3) Review of Internal Policies at iba pa.
Naging makabuluhan ang nasabing pagpupulong at mas nabigyang-diin na mas marami pang mahikayat na maging Accredited Extension Service Provider (ESP) upang mas mapalawig pa ang pagbibigay ng mga pagsasanay sa rehiyon.
Ulat ni: Ginoong Darren B. Bayna