TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Dalawampu’t-dalawang kalahok ang nagtapos sa “Training of Facilitators on Farm Business School (FBS)” sa pakikipagtulungan sa Villar SIPAG Farm School noong Abril 28, 2022.
Ang nasabing mga kalahok ay mga magsasaka, miyembro ng kooperatiba/asosasyon at mga farm owners sa rehiyon ng CALABARZON at karatig-rehiyon tulad ng Bicol at MIMAROPA. Nagpaabot ng pagbati sa mga kalahok sa kanilang pagtatapos si Gng. Antonieta J. Arceo, OIC-Deputy Director ng ATI Central Office, Atty. Rhaegee Tamaña, Chief of Staff ng Senate Committee on Agriculture and Food at Senator Cynthia A. Villar.
Samantala, nagpahatid din ng pasasalamat at mensahe ang Center Director ng Agricultural Training Institute-CALABARZON na si Bb. Marites P. Cosico. Aniya, “Celebrate endings for they precede new beginnings. Sana po, ituring niyong “bagong simula” ang inyong pagbalik sa kanya kanyang lugar. Remember that you have the power and freedom to start again, this time you’ll do it better than before, applying all the knowledge you’ve gained from this 10-day training”.
Layunin ng pagsasanay na pagbutihin at palakasin ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga konsepto at gawain ng Farm Business School.
Ang pagsasanay ng mga Facilitators sa FBS ay isinagawa noong ika-18 ng Abril hanggang ika-28 ng Abril 2022.
Ulat ni: Renzenia Rocas