TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Mga kawani ng Farmers’ Information and Technology Services Center ng CALABARZON, nagtapos sa apat na araw na pagsasanay tungkol sa “Training on Social Media Optimization for Agricultural Extension.”
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayon na turuan at magbigay ng sapat na kaalaman sa pagsasaka upang gamitin ang teknolohiya sa agrikultura. Hangad din nito na maiangat ang teknolohiya sa agrikulturang sektor.
Nagsilbing tagapagtalakay ng pagsasanay si Nino James Haos, isang social media manager ng NEOSMMS Social Media Consultancy Services. Kabilang sa itinuro niya sa mga kalahok ay ang paggawa ng content, importansya ng branding, paggamit ng “hashtags,” pagpaplano ng social media content at marami pang iba.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpaabot ng mensahe ang Assistant Center Director ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON na si Dr. Rolando V. Maningas. Ayon kay Dr. Maningas, nangangailangan lamang ito ng tamang pamamahala sa paggawa at pag-post nito sa social media. Karagdagan dito, ipinahayag ‘din niya ang kanyang pasasalamat at pagbati sa lahat ng nakilahok sa pagsasanay.
Sa pagtatapos, ang mga kalahok ay nakatanggap ng kanya kanyang sertipiko mula sa naganap na pagsasanay.
Sa ulat ni Zaryl Dela Cruz