ATI OIC-Director Luz Taposok's message to the graduates

ATI OIC-Director Luz Taposok's inspiring message to the graduates.

A total of 1,255 enrollees composed of goat raisers, farmers, students and extension workers from 36 municipalities of Pangasinan, and 1 from La Union came together for the Graduation Exercises of the School on-the-Air on Integrated Goat Production Management. The momentous event was held on June 26, 2018 at the ATI-RTC 1 Multi-Purpose Hall, Tebag East, Sta. Barbara, Pangasinan.

ATI OIC-Director Luz A. Taposok graced the occasion with her presence and inspiring message to the graduates.

"Isang mapagpalang hapon po sa lahat. Tunay ngang napakaespesyal ng araw na ito sa ating lahat na nandirito, lalong lalo na sa mga tagasubaybay ng ating School-0n-the-Air program. Ang iyong pagtatapos ay pagsisimula rin ng panibagong yugto sa inyong kabuhayan at sa pag-aalaga ninyo ng mga kambing.

Sa apat na buwan ninyong pakikinig sa School-on-the-Air o SOA patungkol sa iba`t-ibang pamamaraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng kambing, nakakasiguro ako na marami kayong mga pagbabagong maisasagawa para sa pagpapalago ng industriya ng livestock. Ang programang ito ay masigasig na inorganisa ng ATI Region 1 sa pamumuno ni Center Director Rogelio Evangelista kasama ang iba pang development partners ng ATI upang magkaroon pa ng mas malawak na serbisyo, mas maraming opsiyon at aabot sa mas nakararaming tao ang teknolohiya at impormasyon sa livestock, particular na ang integrated goat production management.

Ang SOA ng ATI ay isa lamang sa mga paraan ng pagbibigay serbisyo sa agrikultura gamit ang distance learning. Sa pamamagitan ng SOA ay mas mabilis naming napapalaganap at naililipat ang mga kaalaman at makabagong teknolohiya at impormasyon sa pagsasaka. Mas madali naming kayong naaabot, saan man kayo, ano mang probinsya o manipulasyon, ano man ang estado ninyo sa bahay. Isa na naman itong patunay ng “excellent extension services beyond boundaries” kung saan sinusubukan naming bigyang tulay ang lahat ng posibleng hadlang para po maabot kayo. Higit pa riyan, ang SOA ang isa sa mga programang patuloy na pinaiigting ng kasalukuyang administrasyon at ng ating DA Secretary Manny Piῆol. Pinaiigigting naming ang pagbibigay ng extensiyon education and services dahil lahat kayo ay may karapatng magbigay ng mataas na antas ng serbisyong publiko.

Ang produksyon ng kambing sa Pilipinas ay mababa pa rin kumpara sa mga kalapit nating bansa. Itinuturing na isang dahilan dito ay ang hindi malawak na kaalaman ng mga magsasaka patungkol sa mga tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng kambing at pakikipag-ugnayan sa mga quality breeders. Sa kasalukuyan, tumataas na ang demand ng karne ng kambing kaya nararapat lamang na tugunan natin ito. Napakagandang oportunidad nito sa ating mga goat raisers at sa mga may balak na pasukin ang ganitong industriya. Bukod sa maliit na capital na kakalainganin kung ihahambing sa ibang mga uri ng negosyo, magagarantiya rin ang mataas na kita. Malaki ang potensiyal ng industriya ng kambing, tupa at iba pang katulad na hayop na “small ruminants” sa ating bansa upang maiangat ang kabuhayan sa kanayunan.

Sa ating mga graduates- mga goat raisers, farmers, students, and agricultural expansion workers- Congratulations! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta, sa inyong mga sakripisyo, paglaan ng oras at sa mahabang pasensya. Dahil sa ineteres ninyong matuto at masigasig na pagtuklas pa ng panibagong kaalaman kaya nag-eexist ang mga programang ganito.
Kayo, lalo na ang mga nasa laylayan, ay aming katuwang, kasama at kaagapay sa pagpapalago ng agrikultura sa bansa. Kayo ang partner ng ATI at ng DA. Kung wala kayo ay wala din kami sapagkat kagaya nga ng lagi kong sinansabi, ang tagumpay ninyo ay tagumpay rin namin.

Kayo ang sumasalamin kung tuna nga aming nagampanan ang aming mga tungkulin. Kung ang mga kaalamang aming ibinahagi at itinuro sa inyo ay inyo bang nagagamit o naiaaplay sa sarili ninyong mga bakuran. Kayo rin ang makapagsasabi kung tunay nga bang epektibo ang mga teknolohiyang aming binabanggit na galling din sa masusing pag-aaral. Patuloy tayong gumawa ng mga hakbang patungo sa isang masaganang Pilipinas. Patuloy po tayong magtuklas, matuto at mag-aral dahil ang pag-aaral ay walang katapusan. Dito natin napapalawak pa an gating mga karanasan o eksperiensya sa bahay. Higit tayong natututu sa ating mga karanasan.

Kayo ngayon na naririto ang magsisislbing modelo sa iyong kumunidad. Nasa sa iyong mga kamay ang pagbabago. Natitiyak ko na ang Pilipinas ay may kakayahan ring makilala sa industriya ng goat production hindi lamang dahil mayroon tayong sapat na resource kundi dahil din sa iyong mga goat raisers na may malawak na kaalaman at karanasan.

Sa muli, maraming salamat sa partisipasyon sa programang ito. Mabuhay kayong lahat!"

Puno`t Dulo: Kwentong Tagumpay ng Pamilya Disu

Isang pagbabahagi ng pangarap at pag-asa at isang kwentong hatid ay inspirasyon. Tunghayan kung paano naging tulay ng tagumpay ang mga hamon sa buhay.