Mga Benepisyo ng Cuniculture, Pokus sa Webinar ng ATI
Alam niyo ba? Cuniculture ang tawag sa pag-aalaga ng mga kuneho, para sa kanilang karne, balat at balahibo. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang pagbaba ng suplay ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF). Kaya naman ang pag aalaga ng kuneho ang isa sa mga nakikitang paraan upang magkaroon ng alternatibong mapagkukunan ng karne.