Recent News

Pahiyas@ATICALABARZON, Ipinagdiwang sa Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda

Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON ang harvest festival sa UrbanATInto Garden na tinawag na “Pahiyas@ATICALABARZON” noong ika-31 ng Mayo, 2022. Ang nasabing gawain ay naaayon sa Pahiyas Festival ng bayan ng Lucban sa lalawigan ng Quezon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda ngayong Mayo.

FITS Center, Inilunsad sa Trece Martires City

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Bilang tagapanguna sa pagpapatupad ng Techno Gabay Program (TGP) sa rehiyon, isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON katuwang ang lokal na pamahalaan ng Trece Martires City sa pamamagitan ng Panglungod na Opisina ng Agrikultor ang paglulunsad ng ika-16 na Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center sa lalawigan ng Cavite.

Mga Bagong Tekniko, Sumailalim sa ETMCD Training

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) sa CALABARZON ang unang pangkat ng Pagsasanay sa “Extension and Training Management Capability Development (ETMCD) Course for Agricultural Extension Workers” na ginanap sa pamamagitan ng Zoom Application at ATI IV – A Training Hall, mula ika-4 hanggang ika-31 ng Mayo, 2022.

Ikalawang Taon ng Palay-Aralan, Nailunsad na sa Cavite, Laguna at Quezon

TRECE MARTIRES CITY, CAVITE – Pinangunahan ng ATI CALABARZON ang tatlong pangkat ng birtwal na paglulunsad ng programang Palay-Aralan: Makabagong Pagsasaka sa Himpapawid sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Quezon.
Tatlumpu’t tatlong mga lungsod at munisipalidad ang magiging kalahok ng programa para sa ikalawang taon ng pagsasahimpapawid nito sa darating na Hunyo hanggang Agosto.

Ikalawang Batch ng Pagsasanay para sa Local Farmer Technicians, Idinaos

Ang Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture – Regional Field Office (DA RFO) IV-A ay nagsagawa ng Capacity Enhancement Course on Organic Agriculture Production and Rice Technology Updates sa ABF Integrated Farms and Agribusiness Center, Brgy. San Juan, San Pablo City, Laguna noong ika-24 hanggang ika-26 ng Mayo, 2022.

Pages