Gabay sa Pagtatanim ng Ampalaya
Ang ampalaya (Momordica charantia) o amorgoso ay isa sa mga masustansyang gulay na kapamilya ng Cucurbitae o mga gulay na baging (vine). Ang mga bunga at dahon nito ay kilala sa pagkakaroon ng mapait na lasa dahil sa taglay na momordicin. Ito ay gamot para sa mga taong anemic dahil sa taglay nitong makapagpapadagdag ng dugo sa katawan.