Pag-aangkop sa Pagbabago ng Klima sa Pagsasaka

1. Mapagmatyag sa panahon bilang batayan sa paggawa ng desisyon sa pang-araw-araw na gawain sa bukid

2. Sundin ang daloy at dami ng ulan bilang batayan sa paggawa ng talaan sa bukid

3. Magtanim ng mga halaman na maresistensya sa tuyot at baha, sakit at peste

4. Sanayin ang tuyo o tamang dami lamang ng tubig sa paghahanda ng lupa

5. Ibalik ang mga sustansiyang natanggal sa lupa sa pamamagitan ng farm wastes recycling, organic farming at balanced fertilization strategy

6. Ipraktis ang integrated farming system

7. Ipraktis ang kontroladong pagpapatubig kagaya ng alternate wetting and drying

8. Iwasan ang pag-isprey ng pamatay-damo at iba pang sintetikong kemikal upang mapangalagaan ang lupa sa pagkaanod o soil erosion

9. Panatilihing malinis ang kulungan ng mga hayop upang mabawasan ang pagbuga ng methane gas.