Sulyap sa ika-limang RAFEN I Symposium

Posted by: 

LINGAYEN, Pangasinan - Matagumpay na idinaos ang ika-limang taong symposium ng Regional Agriculture and Fishery Extension Network I (RAFEN I) noong ika-18 at 19 ng Oktubre, 2018 sa Convention Hall, Pangasinan State University (PSU), Lingayen, Pangasinan. Ang symposium na ito ay may temang “Enhancing Agri-preneurship towards Farm Tourism” na may layuning mapahusay pa ang Agri-Preneurship sa pamamagitan ng Farm Tourism.

Dinaluhan ito ng mahigit kumulang na 250 participants na binuo ng mga miyembro ng RAFEN 1, agricultural extension workers (AEWs) na nagmula sa iba’t ibang probinsya ng Rehiyon 1, at mga natatanging exhibitors at panauhin na mula sa 1 SIKAT (Samahang Itinataguyod ang Kaunlaran ng Agri-Turismo sa Rehiyon Uno, Inc.).

Bahagi ng symposium ay ang tagisan ng galing sa Presentation ng Best Extension Practices ng mga lumahok na Local Government Units (LGUs) ng Rehiyon 1 na hinati sa dalawang kategorya. Ang mga nagwagi sa Amateur Category ay ang Alaminos City, Pangasinan (1st Place), Dasol, Pangasinan (2nd Place), at Urdaneta City, Pangasinan (3rd Place). Nakapag-uwi naman ng consolation prize ang Vigan City, Ilocos Sur. Sa National/Regional Category naman, nanalo ng 1st Place ang LGU ng Agoo, La Union, 2nd Place ang Sto. Domingo, Ilocos Sur, at 3rd Place ang San Nicolas, Ilocos Norte.

Samantala, nakamit naman ng LGU-Sto. Domingo, Ilocos Sur ang Best Poster sa naturang aktibidad.

Isa rin sa mga inabangang kaganapan dito ay ang pagbabahagi ng Best Extension Practices ng ilang kinatawan ng RAFEN I at ng 1 SIKAT, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo upang makapagtanong tungkol sa kani-kaniyang Best Extension Practices.

Inaasahang isagawa ang 6th RAFEN I Symposium sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa susunod na taon.

In this article: